PGH, NATANGGAP PA RIN NG PASYENTE SA ER

By: Jaymel Manuel

Patuloy na tumatanggap ng mga pasyente ang emergency room (ER) ng Philippine General Hospital (PGH).

Ito ay sa kabila ng sunog na sumiklab doon kamakalawa bagamat ayon kay PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario, limitado lamang ang mga pasyente na kanilang tinatanggap.


Nakataas rin umano sa ER ng PGH ang ‘Code Triage, ‘ na nangangahulugan na tanging mga taong may life-threatening conditions lamang ang maaari nilang tanggapin doon.

Ayon kay Del Rosario, dahil sa sunog ay may mga pasyente rin silang kinakailangang ilipat sa ER kaya’t umapaw umano ang kanilang mga pasyente.

Dakong alas-3 ng hapon nang sumiklab ang apoy sa loob ng PGH, kung saan naapektuhan ang Wards 1, 2, 3, at 4, gayundin ang audio-visual room (AVR) ng Department of Medicine.


Walang pasyente o tauhan ng pagamutan ang nasaktan o nasawi sa sunog at wala ring walang major hospital equipment na napinsala sa nasabing sunog.

Samantala, hindi na rin umano kinailangang ilipat sa ibang pagamutan ang mga pasyente na pansamantala na lamang inilagak sa ibang wards at units ng ospital.


Tags: Philippine General Hospital (PGH)

You May Also Like

Latest News