Latest News

PGH, NASUNOG

By: Baby Cuevas

ISANG sunog ang sumiklab sa main building ng Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila, kahapon ng hapon.

Batay sa inisyal na ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog alas-3 ng hapon na umabot sa ikatlong alarma at idineklarang fire control alas-3:32 ng hapon.

Inilikas ang mga pasyente sa Ward 1, 2, 3, 4, at 5 at maging sa Cancer Institute at may mga bata at matatandang pasyente na naka-wheel chair ang inilabas sa gusali habang inaapula ng mga bumbero ang apoy.


Walang iniulat na nasaktan o nasawi sa nabanggit na sunog at sa kasalukuyan ay patuloyang clearing operation at ang imbestigasyon sa sanhi ng sunog.


Tags: Manila Bureau of Fire Protection.(BFP)

You May Also Like

Most Read