Kasunod ng naganap na sunog sa Philippine General Hospital (PGH) kahapon ng umaga sa Maynila ay inatasan ni Health Secretary Ted Herbosa ang mga government hospitals na alamin ang mga fire hazards sa kanilang mga establisimiyento.
Sinabi ni Herbosa sa isang press conference na mahalagang malaman ang mga fire hazards upang.mapigilan na mangyari ang katulad na insidente sa PGH dahil ilang pasyente ang dapat na mailikas kapag nasusunog ang pagamutan.
“Ang inutos ko related to that, inutusan ko lahat ng ospital namin na mag-identify ng tinatawag na fire hazard. So dala ‘yan ng mga fire hazard. Alam ko stock room na naman ‘to eh [ang pinagmulan ng sunog],” ani Herbosa.
Nabatid na itinaas sa unang alarma ang sunog sa PGH alas- 6:07 ng umaga na umabot sa ikalawang alarma at idineklarang fire out alas-7:08 ng umaga.
Nagmula umano ang sunog sa nag- overheat na air conditioning sa mezzanine ng.pagamutan na ginagawang pahingahan ng mga doktor.
“Ang PGH, pinaka-malaking ospital sa Metro Manila, 1,500 beds. ‘Yung OPD nila na malapit doon sa nasunog na lugar sumisilbi ‘yan ng about 5,000 patients a day. So kapag nagsara ‘yun, pupunta ‘yan (pasyente) sa mga DOH hospitals,” dagdag ni Herbosa.














