Nagsagawa ng ‘lunch break protest’ ang ilang health workers ng Philippine General Hospital (PGH) kaugnay sa hindi pa naibibigay na health emergency allowance para ngayong 2023 at iba pang benepisyo.
Pasado alas-12 ng tanghali nang isagawa ng mga health workers ang kanilang protesta para iparating kay Health Secretary Ted Herbosa ang kanilang hinaing.
Napag-alamang sinabi umano ni Herbosa na posibleng sa 2026 pa mabayaran ang kanilang mga benepisyo.
Kaugnay nito, balak rin umano ng mga health workers na. magsagawa ng kilos-protesta sa tanggapan ng Department of Budget and Management (DBM) sa Disyembre 13 para igiit na ibigay na ang kanilang health emergency allowance.
Kasama ng PGH health workers ang iba pang mga health workers na hindi pa rin nakakatanggap ng kanilang benepisyo sa isasagawang pagkilos.














