PGC: 85% ng COVID-19 samples na isinailalim sa genome sequencing, Omicron BA.5 subvariant

Kinumpirma ng Philippine Genome Center (PGC) nitong Lunes na ang karamihan o 85% ng COVID-19 samples na isinailalim nila sa genome sequencing ay binubuo ng omicron BA.5 subvariant.

Ayon sa Department of Health (DOH), hanggang noong Biyernes, ang bansa ay nakatukoy na ng 3,107 omicron BA.5 cases.


“In the past month alone, ang BA.5 po talaga is the most predominant sample or variant that we’re sequencing in the Philippines, it’s anywhere between above 85 percent ng ating sequenced samples,” ani PGC director Cynthia Saloma sa isang televised press briefing.

“You have to take note medyo meron tayong bias in sampling. Pero based on sequenced samples, about 85 percent of sequenced samples are composed of BA.5,” aniya pa.

Una nang sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi lahat ng COVID cases ay kinukuhanan ng samples.


Ang mga samples ay kinukuha anila sa mga pasyente na may minimum amount at cycle threshold value na kinakailangan para sa sequencing.

Ani Saloma, ang sublineage ng mga predominant omicron subvariant sa bansa ay karaniwang BA.5.2, kumpara sa BA.5.1 sa Estados Unidos at Europa.


Binabantayan rin aniya nila kung ang BA.5 ay magkakaroon pa ng karagdagang mutation.

Ayon sa DOH, bukod sa BA.5, ang bansa ay may na-detect na ring dalawang kaso ng BA.2.75 o Centaurus, 174 na BA.2.12.1, at 104 BA.4 cases. (Philip Reyes)


Tags: Philippine Genome Center (PGC)

You May Also Like