PFMJ, nagpasalamat sa taga-Ormoc

Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang mga mamamayan ng Ormoc dahil sa kanilang “overwhelming” na suporta sa kanyang kandidatura sa nakalipas na May 2022 elections.

“I thank you as you have responded to that call for unity, especially in the past national elections. Your overwhelming support, your faith and trust in me, as you were among the strongholds of our collective victory,” pahayag ni Marcos sa kanyangbtalumpati sa ika 75th Ormoc City Diamond Charter Day celebration.


Nalaman na sa Ormoc City ay nakakuha si Marcos, Jr.ng botong 84,215 habang ang kanyang kalaban na si Vice President Leni Robredo ay nakakuha ng 15,346 boto.

Sinabi ni Marcos na hindi niya makakalimutan ang kabaitan na ipinakita sa kanya ng Ormocanons sa nakalipas na halalan.

“Wala namang nanalo ng halalan na nag-iisa. Isa lang ang nahahalal ngunit maraming-marami at napakalaki at napakalalim ng utang na loob sa napakaraming tao dahil hindi naman mangyayari ito kung hindi ko kayo kasama,” ani pa ni Marcos .


Habambuhay umanong tatanawin ni Marcos ang ginawa sa kanya ng mga taga Ormoc. (Anthony Quindoy)


Tags: Jr., Pangulong Ferdinand Marcos

You May Also Like

Latest News