PFMJ, me mabigat na gagawin sa DA bago umalis

May mabigat umanong gagawin si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Department of Agriculture (DA) habang hindi pa niya inililipat ang puwesto sa panibagong mamumuno sa ahensiya.

“All the hard things, ‘yung mahirap gawin ngayon namin gagawin. ‘Pag nagawa na namin ‘yung mga bucket list namin, natapos na namin, aalis na ako . Then I will give it to somebody else,” ani Marcos, na nagsisilbing DA secretary.


Sinabi rin ni Marcos noong Nobyembre,na hindi niya kaagad na.mabibitawan ang DA dahil nagpapapalit palit siya ng listahan ng kandidato.

Hindi rin umano ikinukunsidera ni Marcos ang pagtatalaga ng retiradong militar o pulis sa DA.

“Kailangan, eksperto sa agrikultura. Agriculture is a very complicated subject. Hindi lang kung sino-sino basta’t magaling mag-manage .They have to understand the science… They have to understand the solution. They also have to understand the system,” dagdag ni Marcos.


Sinabi pa ni Marcos na ang problema sa agriculture sector ay.malalim ang pagkakabaon kaya mahirap sa Presidente ang magpalit ng opisyal. (Jaymel Manuel)


Tags: Jr., Pangulong Ferdinand Marcos

You May Also Like

Most Read