Latest News

PFMJ, bibisita sa Vietnam

Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na nakatakda siyang bumisita sa Vietnam.

Ito ay matapos na paunlakan ang imbitasyon ni Vietnam President Nguyen Xuan Phuc nang magkausap sila sa APEC Economic Leaders’ Meeting.


Sinabi umano ni Phuc na ang Pilipinas at Vietnam ay “strategic partners” na.maraming isyu na pag-uusapan.

“I cannot say no. I will in principle accept your very kind invitation. We will just stay in contact so that we can decide on the date,” ani Marcos .

“I will ask our foreign secretary to stay in touch with his counterpart, and also your staff in the Vietnamese Embassy,” dagdag pa nto.


Una nang tinanggap ni Marcos ang imbitasyon ni Vietnamese Prime Minister Pham Minh Chinh para sa isang state visit sa Vietnam noong dumalo sila sa ASEAN Summit sa Cambodia.

Nabatid na sj Marcos ay dumating sa Bangkok noong Miyerkules kasama si First Lady Marie Louise “Liza” Araneta-Marcos kung saan inaasahan na magkakaroon ng anim na bilateral meetings. (Jaymel Manuel)


Tags: Jr., Pangulong Ferdinand Marcos

You May Also Like