Iginit ni President-elect Ferdinand “Bongbong”Marcos Jr. sa Supreme Court (SC) na ibasura ang petisyon na isinampa laban sa kanya na humihiling na kanselahan ang kanyang Certificate of Candidacy dahil sa kawalan ng merito.
Sa 45-pahinang komento,inihain ni Marcos sa pamamagitan ng kanyang abogadong si Atty.Estelito Mendoza,iginiit nito na tanging ang Presidential Electoral Tribunal (PET) ang may hurisdiksyon sa kanyang pagtakbo.
Sinabi rin ni Marcos na walang hurisdiksyon ang SC na mag- isyu ng temporary restraining order para pigilan ang Kongreso sa pag -canvass ng kanyang boto.
Ayon pa kay Marcos, ang petisyon ay labag sa kagustuhan at karaparan ng mga tao.
“To allow the defeated and rejected candidate to take over is to disenfranchise the citizens representing 58.77% of the votes cast, without fault on their part,” ani Marcos sa kanyang komento.
Si Marcos ay nakakuha ng may 31,629,783 boto base sa opisyal na tally ng Commission on Election(Comelec) sa presidential race.
“ It is respectfully prayed of the Honorable Court to protect the free choice of the Sovereign Filipino People that their president is respondent Ferdinand ‘Bongbong R. Marcos Jr.,” nakasaad pa sa komento. (Jaymel Manuel)