Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ng celebrity doctor na si Joel Mendez na umaapela sa kanyang ‘conviction’ sa kasong rape at dalawang kaso ng rape through aexual assault.
Sa inilabas na desisyon ng 8th Division ng CA, ibinasura ang petirion for certiorari na inihain ni Mendez sa CA na kumukuwestiyon sa order ng Mandaluyong City Regional Trial Court Branch 5-FC.
Si Mendez na inaresto sa Cagayan de Oro noong 2020 matapos na mahatulan, ay nag-akusa sa korte ng grave abuse of discretion.
Si Mendez ay hinatulan in absentia ng RTC at iginiit nito sa CA na nagpalit siya ng abogado at hindi ipinaalam sa kanya ang nangyaring progreso sa kanyang kaso sa kabila ng paulit-ulit niyang pagtatanong sa estado ng kanyang kaso.
“Consequently, the mistake or negligence of counsel may result in the rendition of an unfavorable judgment against the client,” ayon sa desisyon na isinulat ni Associate Justice Jaime Fortunato Caringal.
Gayunman, sinabi ng korte na sa kabila nang may mga exception sa rule, ang kapabayaan ng abogado ay hindi dapat samahan ng kapabayaan rin ng kliyente o malisya.
“There is no doubt that petitioner had his day in court,” dagdag ng CA.














