Latest News

PERTUSSIS CASES SA PINAS, UMABOT NA SA 862

By: Philip Reyes

Umabot na sa bilang na 862 ang kabuuang kaso ng pertussis na naitala sa bansa, kung saan 49 dito ang nasawi.

Ito ang kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH) na nagsabing ang naturang bilang ay na naitala mula Enero 1 hanggang Marso 23, 2024.

Ayon sa DOH, ito ay 30 ulit na mas mataas kumpara sa mga naitalang kaso sa parehong petsa noong nakaraang taon.

Sa datos ng DOH, pinakamaraming naitalang kaso ngnasabing sakit sa MiMaRoPa, na may 187 kaso; National Capital Region (NCR) na may 158 kaso; Central Luzon nna may 132 kaso; Central Visayas na may 121 kaso at Western Visayas na may 72 kaso.

Nasa 79% umano ng nagkaroon ng pertussis ay mga batang wala pang limang taong gulang. Anim umano sa bawat 10 bata o 66% ang hindi bakunado at hindi batid ang vaccination history.

Maaari pa umanong magbago ang naturang bilang dahil na rin sa ‘late consultations’ at reports, ayon sa DOH, na nagbigay katiyakan na patuloy pa rin nilang binabantayan at inaaksiyunan ang pagtaas ng mga kaso ng pertussis na kilala rin sa mga tawag na whooping cough, tusperina o ubong dalahit.

Tags:

You May Also Like

Most Read