Latest News

PERTUSSIS CASES, PARANG KONTROLADO NA – DOH

By: Jaymel Manuel

Tila kontrolado na ang pagtaas ng mga kaso ng pertussis sa bansa.

Ito ang Inihayag kahapon ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa, na nagsabing nagpa-‘plateau’ na sa kasalukuyan ang mga kaso ng naturang sakit,kasabay ng pagtiyak na patuloy pa rin ang isinasagawang monitoring ng DOH.

“Parang controlled na siya. Parang nagpa-plateau siya, but we’re closely monitoring. Meron tayong Regional Epidemiology Surveillance Unit na mino-monitor ‘yung cases na ito. So, luckily, meron tayong bakuna para dito. So very important, walang dapat ikatakot dito sa sakit na pertussis,” ani Herbosa.

Samantala, walang datos na ibinigay ang DOH at nag-anunsiyo si Herbosa na patuloy pa rin ang pagbabakuna laban sa sakit na ginagawa ng pamahalaan.

Kasabay niyan ang panawagan ni Herbosa sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak laban sa nasabing sakit.

Tags:

You May Also Like

Most Read