People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER), inilunsad bilang suporta sa pamahalaang PBBM

By: Jerry S. Tan

Lumagda sa isang Manipesto ang limampung pinuno mula sa iba’t- ibang alyansa at multi-sektor na mga grupo sa iba’t- ibang dako ng Pilipinas nitong Biyernes, Oktubre 18, 2024, upang ilunsad ang Alyansa ng Bayan para sa Demokrasya at Reporma (PADER ng Demokrasya) upang suportahan ang pamumuno ni PBBM at ipagbunyi ang mga mabubuting programa at repormang kanyang nasimulan para sa patuloy na kapayapaan at kaunlaran tungo sa bagong Pilipinas.

“Ang ating dakilang adhikain at tungkulin sa ating makasaysayang pagkakaisa ay upang palakasin ang ating bayan at ganap na itaguyod at ipagtanggol ang mandato ng taumbayan na ipinagkaloob sa ating mahal na Pangulong Ferdinand “BongBong” Romualdez Marcos, Jr. sa pagtitiyak ng isang Bagong Pilipinas para sa magandang kinabukasan ng mga kabataan at mamamayang Pilipino,” ayon sa grupo a pinamumunuan ni .Dr. Jose Antonio Goitia bilang chairman emeritus.


“Bilang isang nagkakaisang koalisyon, kami ay naninindigan kasama ang mamamayang Pilipino sa isang pagpapakita ng matatag na pagkakaisa para sa pagnanais ng tuloy-tuloy na kapayapaan at kaunlaran ng ating bayan sa pamumuno ni PBBM,” ayon sa pinirmahang manipesto ng koalisyon. Pinapahayag namin ang matatag at mahigpit na suporta sa pamumuno ni PBBM. Naniniwala kami na si Pangulong BongBong Marcos, Jr. ang tamang lider na may lubos na dedikasyon, sinseridad, paninindigan, “political will” at integridad upang ipatupad ang mga kritikal na programa para sa ikabubuti at ikauunlad ng bayan. Ang kanyang patnubay at pamumuno ay napakahalaga para sa pagbabago at kaunlaran ng bansang Pilipinas,” dagdag pa ng mga ito.

Nangako rin ang koalisyon na PADER, na maninindigan kasama ang mamamayan at pamahalaan sa pagtitiyak ng isang maayos na pamamahala, mapayapang pamayanan at maunlad na kinabukasan para sa sambayanang Pilipino.

Buong-buo umano ang tiwala ng mga lider kay Pangulong BongBong Marcos Jr. at naniniwala sila na hindi kailanman bibiguhin ng mahal na Pangulo ang kanyang sinumpaang tungkulin sa bayan.


Tags: Alyansa ng Bayan para sa Demokrasya at Reporma (PADER ng Demokrasya)

You May Also Like