Peoples Tonight Online

PEKENG SURVEY NG OCTA-NGA AT IBA PA, DI KAYANG UTUIN ANG MGA TAGA-MAYNILA

By: Bernie Ang

Etong ‘OCTA’ talaga. Nakipagsabwatan pa sa mga bayarang media para magpalaganap ng pekeng survey.

Bakit? Himay-himayin natin ha.

Sa isang ‘confidential’ survey kuno na mismo namang kampo ni Isko Moreno ang nagpalabas, ipinakikita niya na nangunguna daw siya na may nakapalaking agwat sa mga kalaban niya, kung saan ginawa pang number three ang nakaupong alkalde na si Mayor Honey Lacuna.


Ang siste, 67 percent daw ang rating ni Isko. Tapos, nilagay sa napakalayong agwat ang mga katunggalui na sina Sam Verzosa sa 16 percent at ikatlo si Mayor Honey sa 15 percent. Nahiya pa, di pa ginawang zero. Hahah.

Tapos, ang nakalagay na bilang ng mga botante daw na nakuha ni Isko ay humigit-kumulang sa 754,000. Isang malaking kabobohan ito.


Sa Maynila, ang bilang ng botante ay nasa humigit-kumulang sa isang milyo, pero ang average ng talagang naboto ay nasa 800,000. Ang 67 percent nito ay 670,000 at hindi 754,000. Ni hindi ipinaliwanag ng OCTA paano nito nakuha ang pigurang 754,000 dahil ni hindi naipakita ang bilang ng respondents.

Ang ginawa ng OCTA ay tinatawag na “extrapolation”. Ang iba pang termino na kapareho nito ng kahulugan sa English ay ” deduce, hypothesize, anticipate, assume, conclude, envision, figure, foresee, foretell, guess. predict, project, theorize. Sa madaling salita, NANGHULA!!!


Nanghula para lamang paburan ang isang kandidato. Tapos, inilabas sa dalawang media organization na mula’t sapul ay walang ginawa kundi i-promote si Isko at ang mga paninira niya kay Mayor Honey na ni minsan ay hindi man lang kinuhanan ng panig.

‘Yung isa, may babaeng Taiwanese na investor na ang asawa ay kapatid lang naman ng kasamahang kandidato ni Isko na babae rin. ‘Yung isa naman, ang may-ari ay may kapatid na nagpapatakbo ng isang PR firm, na binabayaran buwan-buwan para lamang i-build up si Isko at siraan si Mayora Honey.

Sa panig ng Asenso Manileno, hindi na ito bago.Nung tumakbo si Mayor Honey bilang alkalde noong 2022, binugbog din siya ng mga pekeng survey sa social media kung saan minsan ay pang-walo pa ito. Pero ang ending, tinalo niya ang dalawang kalaban na kilala sa Maynila ang mga apelyido, at kinabibilangan mismo ni Amado Bagatsing. Hindi lang basta tinalo dahil pag pinagsama mo ang boto ng dalawang kalaban, lamang pa din si Mayor Honey ng mahigit 200,000 na boto.

Ito namang si Isko, hindi na rin bago ang style. Nung 2022 Presidential election, sandamakmak din ang mga survey na ipinalabas niya sa social media kung saan laging siya ang pinakamataas at si President Bongbong Marcos minsan inilalagay pa sa panghuli. Alam naman natin ang naging resulta, dahil ultimo sa Maynila na kung tutuusin ay dapat na balwarte ni Isko ay tinambakan pa nga ni BBM si Isko. Kahiya-hiya ang kinalabasan ni Isko.

‘Yung mga survey firms kuno na naglabas na siya ang number one at kulelat si BBM nung 2022, sila din ang siyang nagsisipaglabas na naman sa ngayon ng parehong mga survey na number one daw si Isko at si Honey naman ang kulelat. Luma at bulok na style na ito at di na uubra sa panahon ngayon.

Sa kabila ng kung ano-anong pekeng survey na pinalalabas laban sa kanya, alam ng kampo ni Mayor Honey at mga botante ang tunay na pulso ng mga taga-Maynila.

May isang milyon ang botante sa Maynila at ang bawat survey ay mayroon lamang 1,000 hanggang 2,000 na respondents o ininterview kuno. Hindi ito sapat na basehan para sabihing nanalo na ang isang kandidato, lalo pa’t kung ang survey ay ginawa sa lugar na itinuturing na balwarte ng isang kandidato.

Sa totoo lang, isipin ninyo, Kayo ba ay na-survey na kahit minsan? Isa lang ang pinaniniwalaan ng Asenso Manileno. Ang tunay na survey ay sa araw mismo ng eleksyon. Kanila na ang survey na peke at kay Mayor Honey na ang boto at tunay na boses ng mga taga-Maynila.

Ang sigurado, matatalino ang mga botante ng Maynila, di gaya ng iniisip ng mga nasa likuran ng pekeng survey. Ang gusto ng mga taga-Maynila ay isang mayor na talagang taga-Maynila at hindi taga-BGC, isang mayor na disente, walang rekord ng katiwalian o korapsyon at hindi sila iiwan kahit na ano ang mangyari.

Higit sa lahat, ayaw nila ng sila ay ginagawang uto-uto, mangmang at tanga. Gaya na lang ng OCTA-NGA!

Tags: bernie ang, vantage point

You May Also Like

Most Read