NAGBABALA ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa publiko na maging alerto at maingat dahil sa inaasahang paglulunsad ng ibat ibang modus operandi ng mga criminal elements ngayon panahon ng kapaskuhan para makapanlinlang at kumite.
Isa sa mga paalala ng PNP sa taong bayan ang inaasahang pagpapakalat ng mga pekeng peso bill ng sindikato na kadalasan ay inilalabas sa panahon ng kapaskuhan kung saan maraming bagong banknotes din ang lumalabas.
Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, karaniwang modus ito ng mga kawatan ngayong Pasko.
Kaya payo ng tagapagsalita ng pambansang kapulisan na agad idulog sa pinakamalapit na police station kung kayo man ay nabiktima o napasahan ng pekeng pera para agad magawan ng kaukulang aksyon at mahuli ang nasa likod nito.
Paalala pa ng PNP sa publiko na suriing mabuti ang safety features ng mga perang papel kabilang na ang watermark at serial number.
Kabilang sa mga modus ng mga police characters ang ang laglag barya, basag-kotse at ibat-ibang street crimes gaya ng snatching theft at robbery.
Kaya naman mahigpit ang paalala ng PNP sa publiko na gawin ang ibayong pag-iingat at kung maaari ay magdala lamang ng sapat na perang ipambibili ng mga pangangailangan para sa okasyon.
Payo rin ng PNP, huwag nang magsuot pa ng mamahaling alahas o ilabas at i-display ang mga kagamitang mainit sa mata ng mga magnanakaw.
Dahil kadalasang tumataas ang kaso ng robbery at theft tuwing holiday season ay una nang inatasan ni PNP Chief P/Gen. Rodolfo Azurin, Jr., ang mga kawani ng PNP na paigtingin pa ang police visibility sa mga matataong lugar.
Samantala, dagdag pa ni Fajardo, sa darating na December 15 ay nakatakda namang magpatupad ng full alert ang pambansang pulisya na magtatagal naman hanggang January 18, 2023.
Kaugnay nito ay pansamantala munang kakanselahin ang lahat ng leave ng mga pulis simula December 15 hanggang January 10 bilang pagsunod naman aniya sa iniatas ni PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. na tiyakin ang maximum deployment ng pulisya upang masiguro naman ang pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa panahon ng Kapaskuhan.
Aniya, maging ang mga pulis na naka-assign sa mga administrative duties ay ire-require na mag patrol partikular na sa mga lugar na karaniwang pinupuntahan ng mga tao.
Samantala, sa darating na December 15 ay nakatakda namang magpatupad ng full alert ang pambansang pulisya na magtatagal naman hanggang January 18, 2023.
Bahagi ng ginagawang paghahanda ng pulisya para sa nalalapit na holiday season kung kailan inaasahang magkakaroon ng pagtaas sa bilang ng mga insidente ng pagnanakaw at iba pang krimen.
Kaugnay nito ay pansamantala munang kakanselahin ang lahat ng leave ng mga pulis simula December 15 hanggang January 10 bilang pagsunod naman aniya sa iniatas ni PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. na tiyakin ang maximum deployment ng pulisya upang masiguro naman ang pagpapatupad ng mahigput na seguridad sa panahon ng Kapaskuhan.
Aniya, maging ang mga pulis na naka-assign sa mga administrative duties ay ire-require na mag patrol partikular na sa mga lugar na karaniwang pinupuntahan ng mga tao. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)