Pekeng optometrist, arestado sa NBI

Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Naga District Office ang isang babae na nagpapanggap diumano na “optometrist” sa isinagawang entrapment operation kamakailan sa Barangay San Francisco,Iriga City.

Kinilala ng NBI,ang suspek na si Josephine Nazarrea y Balang ,may mga alyas na Lorenzo Nazarrea, Josephine Balang Nazarrea, Nancy Balang Sagara, at Hilda Balang at may-ari ng N.Balang Sagara Optical Clinic na matatagpuan sa New Iriga City Public Market

Nag-ugat ang pag- aresto sa suspek ng NBI matapos na makatanggap ng reklamo mula sa Integrated Philippine Association of Optometrists, Inc. (IPAO)-Camarines Sur dahil sa iligal na pagpa-practice ng optometry.


Nagsagawa nang pagmamanman ang NBI sa establisimiyento ,bineripika muna sa Philippine Regulation Commission (PRC) kung me lisensiya at nang makumpirma na wala ang pangalan sa talaan ng mga lisensiyadong optometrist ay pinlano ang entrapment laban sa suspek noong Setyembre 29.

Isang ahente na nagpanggap.na.customer ang nagpagawa ng salamin sa suspek sa halagang P3,500 at nang tanggapin nito ang P1,000 down payment ay dito na siya inaresto ng mga awtoridad.

Nakumpiska sa suspek ang isang set ng Trial Case na may incomplete lenses (10) Diopter), 1Trial Frame, 1 Reading Chart, Php 1,000.00 peso bill , 1 Prescription Paper, 1 Nike Brand Plastic frame at isang Snellen Chart.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Section 32(f) in relation to Section 5 of RA 8050,ang suspek sa Iriga Prosecutors Office. (Arsenio Tan)


Tags: National Bureau of Investigation-Naga District Office

You May Also Like

Most Read