Latest News

Pekeng memo ni Remulla, pinaiimbestigahan sa NBI

By: Carl Angelo

Inatasan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan kung sino ang nasa likod ng pekeng memorandum circular na nag-uutos na ibalik sa New Bilibid Prisons (NBP) ang 12 high-profile inmates mula sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro.

Nakasaad umano sa pekeng memorandum circular na inatasan si Bureau of Corrections (BuCor) chief Gregorio Catapang, Jr. na ibalik sa kustodiya ng NBP sina Noel Martinez, Jerry Pepino, Herbert Colangco, Tomas Donina, Jaime Patio, Rodolfo Magleo, Engelberton Durano, German Agojo, Hans Anton Tan, Joel Capones, Peter Co at Nonilo Arile.

Ang naturang memorandum na may petsang Setyembre 8 at may lagda ni Remulla ay ini-email sa iba’t-ibang opisyal at tanggapan ng DOJ.


Nakasaad pa sa dokumento na ang mga inmate ay nasa ilalim umano ng DOJ witness protection program at nakapag- testigo laban kay dating Senador Leila de Lima sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

“We asked the NBI to find out who is behind the fake memorandum and we will find them,” ayon kay Remulla.

Posible umanong nasa BuCor at DOJ ang nasa. likod ng pekeng memorandum.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Remulla na kapag napatunayan na ang 12 inmates ang nasa likod ng memorandum ay mai-extend ang kanilang pagkabilanggo at kakanselahin ang kanilang benepisyo.


Kapag empleyado naman ng gobyerno ang sangkot ay kakasuhan ng
falsification of public documents at aalisin sa serbisyo.

Tags:

You May Also Like

Most Read