Latest News

Pekeng lotion at cologne, nasamsam ng NBI

NASAMSAM ng mga ahente ng National Bureau of Investigation(NBI), ang lajon-kahon ng pekeng lotion at cologne ng Victoria Secret na inimbak sa isang Hotel sa may Rizal.Avenue,Sta.Cruz,Maynila.

Nabatid na pasado ala 1 ng hapon nang salakayin ng mga ahente ng NBI-National Capital Region, ang Spring Hotel sa Rizal.Avenue,Sta.Cruz,Maynila kung saan nadiakubre ang kahon-kahong pekeng lotion at cologne.

Nag-ugat ang pagsalakay matapos magreklamo sa NBI, ang kinatawan ng Victoria’s Secret dahil sa pagbebenta
sa merkado ng pekeng produkto.


Nalaman na halos tubig lamang ang laman ng cologne at pinagmumukha lamang original na VS.

Patuloy naman ang isinasagawang imbentaryo ng NBI para madetwrmina ang halaga ng pekeng VS lotion at cologne.

Inaalam rin ng NBI kung sino ang.may-ari ng mga nakumpiskang pekeng produkto. (TSJ)


Tags:

You May Also Like

Most Read