Latest News

PEKENG DENTISTA DINAKIP NG NBI

ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation -Easter Visayas Regional Office (NBI-EVRO) ,ang isang pekeng dentista,kamakailan sa Abuyog,Leyte.

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge (OIC) Director Eric B. Distor ,ang suspek na si Alvin Sy Y Caminong.

Ayon kay Distor, nakatanggap sila ng impormasyon na may isang indibiduwal na nagbubunot ng ngipin nang walang kaukulang goverment license.

Kaagad naman nagsagawa ng surveillance operation ,ang NBI at nadiskubre na nagbubunot nga ng ngipin si Sy at nagbabayad sa kanyang residente sa Brgy. Nalibunan, Albayog, Leyte.

Nang hingin ng NBI-EVRO ang certification mula sa Professional Regulatory Commission (PRC) nabatid na wala ang pangalan nito sa data base bilang registered dentist.

Nitong Pebrero 2, 2022, pinuntahan ng NBI-EVRO ang susoek sa kanyang bahay at isinagawa ang entrapment operation kung saan 2 ahente ng NBi ang nagpanggap na pasyente at nang hingin ang lisensiya at ID ng suspek ay wala itong maipakita kaya binitbit sa tanggapan ng NBI-EVRO.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Article 5, Section 33 of R.A. 9484 kilala bilang ” Philippine Dental Act of 2007” ,ang suspek. (Jantzen Tan)

Tags:

You May Also Like

Most Read