Agad na namatay matapos tumilapon ng ilang metro sa center island ang isang pedicab driver, nang masagi ng Isang van ang kanyang minamanehong sidecar,kamakalawa ng umaga sa southbound lane ng Bonifacio drive corner 20 St.Port Area, Maynila.
Ayon sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) nakilala ang nasawi na si Victorio Fernandez ,nasa hustong edad at naninirahan sa No. 650 11th St., Port Area , Maynila.
Naganap umano ang insidente alas- 9:12 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.
Sa imbestigasyon,minamaneho ng biktima ang pedicab niya nang tamaan ang kaliwang bahagi nito Hi-Ace na may plakang NDI-4102 at minamaneho ni Richard Israel,nasa hustong edad, ng 1105 Looban St., Daang Amaya II Tanza, Cavite.
Sa lakas ng impact ay tumilapon ang biktima ng ilang metro sa may center island at agad itong nawalan ng buhay..
Arestado naman si Israel at nahaharap ngayon sa kasong Vehicular Accident resulting in Homicide with Damage to Property sa Manila Prosecutors Office. (Philip Reyes)