PEDICAB DRIVER, NA-HIT AND RUN, PATAY

By: Baby Cuevas

AGAD na nasawi ang isang pedicab driver matapos na.mabiktima ng hit and run habang nakaupo at nagpapahinga sa tabi ng kanyang pedicab, kamakalawa ng hapon sa Yuseco Street corner Katamanan Street sa Tondo,Maynila.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Arnelio Ibañez Sombilon, 56,ng 401 Parola Area B gate 13,Tondo,Maynila, habang tumakas naman ang hindi pa nakikilalang driver ng Mitsubishi Montero na.may plate no. CDI 9914.


Ayon sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), naganap ang insidente alas- 4:20 ng hapon sa nabanggit na lugar

Nakita umano sa CCTV sa lugar, ang SUV Mitsubishi Montero na nakahito sa Yuseco Street corner Katamanan Street,Tondo,Maynila. Maya-maya pa ay umandar na ang sasakyan pero nabangga nito ang biktima na noon ay nakaupo sa pathway.

Agad na isinugod ng concerned citizems ang biktima sa ospital habang ang driver naman ay mabilis na pinatakbo ang kanyang sasakyan papunta sa direksiyon ng Jose Abad Santos Avenue.


Samantala, patuloy na pinaghahanap ang driver ng Mitsubishi Montero para papanagutin sa insidente.


Tags: Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU)

You May Also Like