Latest News

PEDESTRIAN, PATAY SA WING VAN

By: Baby Cuevas

Patay ang isang di pa nakikilalang pedestrian matapos na masagasaan ng isang wing van kahapon ng madaling araw sa southbound lane ng Osmeña Highway corner San Andres Street, sa Malate, Maynila.

Inilarawan ng Manila District Traffic Enforcement Unit-Vehicle Traffic Investigation Section (MDTEU-VTIS) ang biktima na nasa edad 30-40, nakasuot ng kulay asul na sando at itim na short pants na namatay noon din.

Ayon sa imbestigasyon,naganap ang insidente alas-2:59 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.

Nasa kustodiya ng MDTEU -VTIS,ang driver ng wing van na may plate number CCO 6459 at minamaneho ni Alvin,Acabal,41 ng Jerusalem Street, BF Martin Ville, Brgy Manuyo 2, Las Piñas City .

Base sa footage ng CCTV, binabagtas ni Acabal ang southbound lane ng Osmeña Highway, Malate, nang pagsapit sa panulukan ng San Andres Street partikular sa gilid ng Puregold ay biglang nag-dive ang biktima, dahilan para masagasaan ang biktima na nagresulta ng agaran niyang kamatayan.

Tags:

You May Also Like

Most Read