Peak ng COVID-19 sa gitna ng Hulyo

Naniniwala ang OCTA Research Group na sa ikalawang linggo ng Hulyo ang peak ng mga kaso ng COVID19 sa National Capital Region(NCR).

“Tumataas yung bilang ng kaso, hindi pa natin nakikita yung pagbaba niyan anytime soon. Baka yung peak niyan it could happen sometime mga first or second week of July,” ayon kay OCTA Research fellow Guido David sa public briefing.


Makakatulong umano ang publiko sa hindi pagtaas masyado ng kaso kung mag-iingat at susunod sa minimum public health protocols.

“Kaya para matulungan natin na hindi masyadong tumaas yung kaso ay yung pagi-ingat nga natin.”

Ayon sa OCTA ,ang “seven-day daily average” na kaso ng COVID-19 sa NCR ay tumaas mula 131 hanggang 225 mula Hunyo 14 hanggang 20.


Samantala tumaas rin ang NCR growth rate ng 2% at ang reproduction number na 2.05%.

Ang reproduction numbet ay tumutukoy sa bilang ng tao nahawa ng COVID19 at ang positivity rate s NCR ay nasa 4% na ngayon.


Gayunman,sinabi ni David na sa kabila ng pagtaas ng bilang ng impeksiyon ,nanatiling mababa ang hospital occupancy sa NCR na nasa 22% lamang sa ngayon. (Philip Reyes)


Tags: OCTA Research Group

You May Also Like

Latest News