Hindi pa umano nararamdaman ang “peak” o rurok ng kaso ng COVID-19 sa ngayon dahil patuloy pa rin sa pagtaas ng kaso.
Ito ang tiniyak ni OCTA Research Group fellow Dr.Guido David sa isang public briefing matapos hindi gumalaw ang growth rate at reproduction number sa National Capital Region(NCR) na dahilan ng uptick sa bilang ng mga kaso ng COVID19.
Ayon kay David, nananatili ang growth rate sa Metro Manila sa 25% at nasa 14.1% naman ang reproduction number noong nakalipas na.linggo habang ang reproduction number o ang average number ng infections kada kaso ng COVID19 ay nanatili sa 1.38 noong nakalipas na linggo.
“Sa ngayon, hindi pa clear kung kailan natin maabot yung peak. It could happen anytime. It could happen next week or baka sa August pa kasi patuloy na tumataas yung bilang ng kaso,” paliwanag ni David.
Ayon kay David, posible umanong naging kampante na ang mga Pilipino dahil hindi tumama ang pagtaya ng OCTA na maabot na ang rurok ng mga kaso sa loob ng dalawang buwan.
Sinabi pa ni David sa kanyang tweet na ang ilang lugar sa Calabarzon, Central Luzon at Western Visayas ay nakapagtala ng “very high” positivity rates na mahigit sa 20% hanggang nitong Hulyo 22.
Naniniwala rin ang OCTA na nakapasok na sa bansa ang Omicron subvariant BA.2.75, o “Centaurus,,gayundin ang mga subvariants na BA.4, BA.5, at BA2.12.
“Hindi natin masabi kung nakapasok na yung BA.2.75 o Centaurus subvariant. Hindi pa natin na-detect’ yan pero it’s possible na baka umiikot na dito… Baka nakapasok na pero hindi pa natin nakikita, nadedetect kasi hindi naman full yung ating genome sequencing,”dagdag ni David.
Sinabi pa ni David na kung kukumpirmahin ng Department of Health (DOH) na ang BA.2.75 subvariant ay nasa bansa ,ang surge ay katulad ng kasalukuyang wave at majkakapag- ambag sa libong kaso ng COVID19 na nangyayari ngayon.














