Latest News

Peak infection ng COVID-19, inaasahan sa mga susunod na linggo – OCTA

By: Philip Reyes

Inaasahan ng OCTA Research Group na sa mga susunod na linggo AY mararamdaman ang “peak infection” ng COVID-19.

Ito ay makaraang umabot sa 22% ang seven-day positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila mula sa 16% noong Disyembre 12.

Ibinahagi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David ang kasalukuyang positivity trend sa rehiyon na ang peak infection ay maaring.maramdaman sa mga susunod na linggo.

Ang positivity rate ay tumutukoy sa bilang ng mga indibiduwal na nagpositibo sa mga nasuri sa COVID- 19.

“The current trajectory suggests that peak infections in Metro Manila will occur next week. This can still change,”ani David ,

Sinabi rin ni David na 22% ng aktibong kaso ng COVID-19 ay malala at kritikal, habang 63 porsiyento naman ng active cases ay mild at asymptomatic.

Nasa 0.34% naman ang fatality rate sa bansa ngayong 2023 o isa sa kada 300 kaso.

Tags:

You May Also Like

Most Read