Latest News

PDL TRUSTEE, ISA PA, NAHULIHAN NG 1 KILONG SHABU

By: Victor Baldemor Ruiz

NADAKIP ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Correction ang isang person deprived of liberty (PDL) at isang civilian sa loob ng San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City, matapos ang ikinasang buy- bust operation ng mga awtoridad.

Ayon sa PDEA, nadakip sa kanilang entrapment operation ang inmates na sina Kerwin Mohammad Abadilla na isang PDL trustee mula sa Minimum Security Camp at ang civilian na si Albadir Mala Ajijul, alyas Jun-Jun.

Lumitaw sa inisyal na pagsisiyasat na kasama ng 42- anyos na si Abadilla ng 14 pang PDLs na inilabas at dinala sa isang vegetable farm sa Barangay Talisayan bilang bahagi ng kanilang reformation program, ayon sa ulat na isinumite ni SRPPF Superintendent Chief Inspector Vic Domingo Suyat kay BuCor Director General Pio Gregorio Catapang.


Nasabat umano ng PDEA ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6 milyon mula sa nasabing PDL at kanyang kasabwat, sa isang buy-bust operation sa labas ng gate ng San Ramon Penal Colony nitong Martes.

Napag-alaman na tatlong taon ang nakalipas mula nang madakip ng mga pulis si Abadilla na mula sa Barangay Upper Calarian Zamboanga at naaresto sa isang buy-bust operation sa Barangay Recodo.


Siya ay naninirahan sa San Ramon Penal Colony bilang isang PDL trustee sa nakalipas na tatlong taon nang siya ay arestuhin.

Bilang isang katiwala, si Abadilla ay kabilang sa mga bilanggo na inatasang magsaka sa isang bakanteng lote sa tabi ng penal colony.


Sinabi ng mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency na inaresto ang suspek matapos ang ilang linggong surveillance.

Lumitaw pa sa pagsisiyasat na sinasabi ng suspek na nakakatanggap siya ng P20,000 sa bawat transaksyon ng droga na nakumpleto.

Dinala sila ni Ajijul sa tanggapan ng PDEA para sa karagdagang imbestigasyon. Sinisiyasat ng PDEA ang mga kontak ng mga suspek sa labas ng penal colony.

“[T]here is no place for misfit personnel and our collaboration with other law enforcement agencies was meant to curb the issue of proliferation of contrabands inside the corrections facilities despite our rigorous measures in place,” ani Catapang.

Ayon pa kay Catapang, ang pagkakaaresto kay Abadilla ay pagpapatunay lamang sa kasunduan ng kawanihan na kanilang nilagdaan kasama ng PDEA at iba pang ahensiya ng gobyerno kaugnay sa ” synchronization of operations against drug trafficking in correctional and prison facilities and penal farms.”

 

Tags: Philippine Drug Enforcement Agency

You May Also Like

Most Read