Latest News

PDEA, NAKATANGGAP NG KOMENDASYON MULA SA TANGGAPAN NG OFFICE OF THE PRESIDENT

TUMANGGAP ng komendasyon ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa Office of the President (OP) para sa 100 porsiyentong resolution rate ng mga pampublikong reklamo at mga hinaing na nangangailangan ng aksyon kaugnay sa red tape na inihain sa pamamagitan ng 8888 Citizens’ Complaint Center.

Ang 8888 Citizens’ Complaint Center ay nagsisilbing mekanismo sa pag-uulat kung saan ang pangkalahatang publiko ay maaaring magpahayag ng kanilang mga hinaing , reklamo o sumbong sa hinggil sa mga katiwalian laban sa mga ahensya ng gobyerno, mga opisyal at empleyado, tulad ng tinukoy sa ilalim ng Republic Act 9485, o kilala bilang “The Anti-Red Tape Act (ARTA) ng 2007, na sinusugan ng Republic Act No. 11032 o “An Act Promoting Ease of Doing Business and Efficient Delivery of Government Services”.

Sa isang liham na natanggap ng PDEA mula kay Director Bernadette Casinabe, pinuno ng 8888 Citizens’ Complaint Center, kinilala niya ang mga pagsisikap ng ahensiya sa pagtiyak na ang lahat ng mga pampublikong hinaing na isinangguni ay agad na inaksyunan.

Mula noong Enero 1, 2022 hanggang Nobyembre 30, 2022, umabot sa 24 na sumbong ng mga mamamayan ang isinangguni sa PDEA. Lahat ng 24 na tiket o 100 porsyento ay natugunan nang tama at maayos sa loob ng 72-oras na itinakdang panahon.

Bukod sa komendasyon, ang mababang turnout sa mga reklamo ay isang magandang sukatan para masukat ang integridad at kredibilidad ng PDEA na nakikita ng publiko.

Tiniyak naman ng pamunuan ng PDEA na patuloy na nagsusumikap para sa kahusayan at kakayahan bilang front liner sa pambansang kampanya laban sa droga.

Nagsimula ang 100 percent complaint compliance rate ng PDEA noong panahon ni dating Director General Wilkins M. Villanueva at nagpatuloy hanggang sa pag-upo Director General Moro Virgilio Lazo. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags:

You May Also Like

Most Read