INIIMBESTIGAHAN ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP)-Police Drug Enforcement Group kung may kaugnayan sa mga nadiskubreng naglutangang shabu sa karagatang sakop ng Luzon ang nasamsam na mahigit 100 kilo ng (crystal meth) sa Bulacan .
Ayon kay PNP- PDEG Director Brig. Gen. Edwin Quilates, kanilang inaalam kung may kaugnayan ang na -recover na 103 kilograms ng methamphetamine hydrochloride, na nakuha sa ikinasang anti-narcotics operation sa Bantique Street sa Barangay Bulihan, Plaridel nitong nakalipas na linggo.
“When we opened the package, our investigators who were conducting the inventory said it was still wet. The bag was also wet. Then the packaging was wet. The tea bags had four layers of covering,” ani Quilates .
“We will look into that. We will connect it to the recoveries there in Subic recently. That’s the disposition of our operatives and investigators,” ayon pa sa opisyal.
Una rito ay naglunsad ng buy-bust operation ang mga ahente PNP- Drug Enforcement Group sa Bgy. Bulihan, Plaridel, Bulacan, Sabado ng gabi at dito nakumpiska sa dalawang suspek ang nasa higit 100 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P700 milyon.
“So, this is a month-long surveillance operation, case build up. So initially, nagkaroon ng buy-bust operation sa may bandang Plaridel. Then nag-follow up sila sa isang subdivision sa Plaridel din at natumbukan nila na mayroong isang nirerentang bahay doon, at nakakumpiska tayo ng isang malaking amount ng illegal drugs na shabu,” sabi ni Quilates.
“As per interview from the security guard also ng subdivision ay mga twice a week lang nagpupunta then saglit lang aalis uli. So talagang imbakan lang ‘yung nirerentahang maliit na residential house doon sa isang subdivision,” dagdag pa nito.
Ayon sa pulisya, nagpapanggap pa ang Chinese na tindero ng gulay at isda sa iba pang lugar sa Plaridel para hindi mapansin na suma-sideline siya sa pagbebenta ng iligal na droga sa Region 3 at Metro Manila. Itinanggi naman ng mga suspek na sila ay nagbebenta ng iligal na droga.
Nakakulong na sa PDEG headquarters sa Camp Crame ang mga suspek na mahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.














