MAINIT na sinalubong ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) nitong Martes ang may 400 Overseas Filipino Workers (OFWs) na dumating mula Kuwait, sa aktibidad na tinaguriang, “Bagong Taong Salubong sa OFWs” na ginanap sa NAIA Terminal 1.

Ayon kay PCSO General Manager Melquiades Robles, ang naturang aktibidad ay inorganisa bilang taos-pusong pagsalubong sa nag-uuwiang OFWs sa pagsisimula ng taon at bilang pagkilala sa kanilang mga sakripisyo at ambag sa kanilang mga pamilya at sa bansa.
“It also highlights the government’s continued commitment to ensuring that Filipino migrant workers feel supported, valued and cared for upon their arrival in the country,” ani Robles.
Bukod kay PCSO General Manager Mel Robles at chief of staff Jeremy Regino, kasama din sa aktibidad sina OWWA Administrator Patricia Yvonne “PY” Caunan, PCSO Chairman Judge Felix P. Reyes (Ret.) at members of the PCSO Board of Directors na sina Jennifer E. Liongson-Guevara at kanyang executive assistant III Kristine Bernadette Llamas, Janet De Leon Mercado at Imelda A. Papin.
Naging tampok sa okasyon ang pamamahagi mismo ni PCSO GM Robles ng mga ‘Charitimba’ -ang in-kind assistance package ng ahensiya na nakalagay sa timba- sa lahat ng OFWs upang makatulong sa kanilang mga pangangailangan at bilang pagpapakita ng suporta sa kanila.
“We underscore the importance of welcoming OFWs home and reaffirm PCSO’s role as a steadfast partner to their families in the Philippines while they work abroad,” ani Robles.
Idinagdag pa nito na, “PCSO stands as a partner to your families here in the Philippines, ready to assist and provide support while you continue to work abroad. We want to assure you that you are not alone. As you strive to build a better future for your loved ones, PCSO remains committed to looking after the welfare of your families back home.”
Binigyang-diin ng OWWA officials sa pangunguna ni Caunan na sila ay ‘committed to continuously provide welfare programs, reintegration assistance and support services to OFWs and their families.”
Ayon kay Robles, ang ‘PCSO Bagong Taong Salubong sa OFWs’ ay bahagi ng kanilang social responsibility initiatives na kanilang isinasagawa sa pakikipag-ugnayan sa partner agencies, upang makapagbigay ng kinakailangang assistance at compassion sa mga Pilipinong manggagawa at kanilang mga pamilya.
Nagpahayag din ng pasasalaamat si Caunan kay Robles na aniya ay sumusuporta sa OWWA sa buong taon.
Aniya, ang mga flights na napiling tumanggap ng ‘Charitimba’ ay yaong mga galing Kuwait, Saudi Arabia, Qatar at iba pang Middle East flights dahil ang mga ito umano ay karaniwan nang mga OFW ang halos lahat ng pasahero.














