Latest News

PCSO, namigay ng P34.8M medical assistance sa 5,512 indigent patients mula Peb.6-10, 2023

May kabuuang P34,827,615.53 ang halaga ng tulong medikal na naipagkaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa may 5,512 indigent patients sa bansa, mula lamang nitong Pebrero 6-10, 2023.

Nabatid na ang naturang pondo ay ini-release ng PCSO sa ilalim ng kanilang Medical Assistance Program (MAP).

Sakop nito ang tulong para sa confinement, dialysis injection, cancer treatment, hemodialysis, laboratory, diagnostic, at imaging procedures, at implant at medical devices ng mga nangangailangang pasyente.

Ayon sa PCSO, sa National Capital Region (NCR), P6,789,518 ang kabuuang halaga ng medical assistance na naipagkaloob sa may 541 benepisyaryo habang P8,103,375.05 naman ang naipagkaloob sa may 1,215 pasyente sa Northern at Central Luzon.

Sa Southern Tagalog at Bicol Region, nasa 1,369 beneficiaries ang nakinabang sa kabuuang P6,719,407.10 halaga ng tulong medikal.

Sa Visayas naman, nasa 1,169 pasyente ang nabigyan ng P6,514,774.79 na tulong medikal habang 1,218 naman ang nabiyayaan ng P6,700,540.59 na medical assistance sa Mindanao.

Kaugnay nito, hinikayat naman ni PCSO General Manager Melquiades Robles ang publiko na patuloy na tangkilin ang mga PCSO games dahil malaking bahagi ng kinikita nila dito ang napupunta sa kawanggawa, gaya ng MAP. (Baby Cuevas)

Tags:

You May Also Like

Most Read