Latest News

PCG, SUGATAN SA SUV

By: Baby Cuevas

Isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasugatan at nagliyab pa ang sinasakyan nitong motorsiklo matapos na bumangga sa dalawang Sport Utility Vehicle (SUV), kahapon ng madaling araw sa North bound lane ng Roxas Boulevard malapit sa panulukan ng UN Avenue at sa harap ng Bay View Park Hotel sa Ermita, Maynila.

Kinilala ang biktimang si Jhon Matk Ordoñes, 30,miyembro ng Philippine Coast Guard at nakatalaga sa Coastguard Education Training and Doctrine Command sa Binondo Manila at taga B17 L5 Cluster L Emmanuel Bergado I Dasmariñas Cavite.


Batay sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit-vehicle Traffic Investigation Section (MDTEU-VTIS), naganap ang insidente pasado alas-12 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.

Binabagtas umano ni Ordoñes ang nabanggit na lugar nang bumangga sa likurang bahagi ang kanang bahagi ng motorsiklo nito sa Toyota Innova na may plate number NJF 5291, na minamaneho ni Telly Lucas,46. Nabangga rin nito ang likurang bahagi ng Mitsubishi Xpander na may plate number NKL 3777, na minamaneho naman ni Waldemar De Ocampo.

Kasunod niyan ay nagliyab na ang motorsiklo ni Ordoñes at isinugod na ito sa pagamutan.


Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng MDTEU para matukoy kung sino ang dapat managot sa nabanggit na aksidente.


Tags: Philippine Coast Guard (PCG)

You May Also Like