Inanunsiyo ng Philippine Coast Guard (PCG) na nasa “high alert” ang personnel nito sa north eastern Luzon bilang paghahanda sa posibleng lakas ng Severe Tropical Storm (STS) Carina na may international name na Gaemi.
Ayon kay Coast Guard District North Eastern Luzon (CGDNELZN) Commander, CG Captain Ludovico Librilla Jr., inatasan ang lahat ng coast guard stations at sub-stations na manatiling handa sa pagresponde at ihanda ang ang kanilang search and rescue boats, vehicles, at gears.
Kasabay nito,pinaalalahanan rin ng PCG ,ang publiko na maghanda sa posibleng pagpasok ng bagyo.
Sa advisory ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Administration (PAGASA), hanggang nitong alas- 11 Lunes ng umaga, ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 ay nanatiling nakataas sa iba’t-ibang bahagi ng Luzon habang patuloy na kumikilos ang bagyong Carina sa Hilagang Kanluran ng Philippine sea.