Latest News

PCG, NAKAKULEKTA NG 790 LITRO NG OIL WATER SA MV MIROLA

By: Anthony Quindoy

Umaabot ng 790 litro ng oil-water mixture at limang sako ng oil contaminated debris ang nakulekta mula sa lumubog na MV Mirola 1 sa Bataan, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

“As of today, 05 August 2024, the PCG recovered 790 liters of oil-water mixture and five sacks of contaminated oil debris using absorbent pads,” anang PCG.

Patuloy umano ang PCG sa ginagawa nitong ‘oil recovery’ at ‘containment operation’ bukod pa sa pag-monitor sa ‘oil spill booms’ na inilagay sa lugar .


Napag-alaman na bukod sa ‘oil recovery operation’ sa MV Mirola 1 na lumubog sa karagatan ng Sitio Quiapo sa Barangay Biaan, Mariveles, Bataan noong Hulyo 31, ang PCG ay rumesponde rin sa ‘oil spill’ mula sa MTKR Terranova na may kargang 1.4 milyong litro ng industrial fuel oil, habang ang MTKR Jason Bradley ay may kargang 5,500 litro ng diesel.

Sinabi ni PCG commandant Admiral Ronnie Gil Gavan na pagkatapos ng metal capping ay sisimulan na ng PCG ang siphoning operation.

Tags: Philippine Coast Guard (PCG)

You May Also Like

Most Read