Nakalagay na sa heightened alert ang Philippine Coast Guar d(PCG) kaugnay ng pagdagsa ng mga pasahero na magsisiuwi bago ang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at paggunita ng Undas.
Nabatid na nakapagtala na ang PCG ng 26,000 pasahero na bumiyahe sa mga pantalan sa bansa ilang araw bago ang BSKE.
Inaasahang dadagsa pa ang mga pasahero sa Biyernes, Sabado at Linggo sa mga pantalan hanggang sa Nobyembre 5, 2023.
Pinayuhan ng PCG ang mga pasahero na agahan ang pagpunta sa mga pantalan dahil sa mga isasagawang security checks .
Samantala, sinabi ni PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gil L Gavan na inatasan ang lahat ng PCG Districts, Stations, at Sub-Stations na paigtingin pa ang “security and safety measures” sa lahat ng pantalan sa buong bansa.
Sinabi na dapat tiyakin na magiging maayos ang operasyon ng sea transport facilityat gawing komportable ang paglalayag ng publiko.