Latest News

PCG, NAG-INSPEKSYON SA DREDGING UMANO NG 28 BARKO

By: Baby Cuevas

Isinasailalim sa inspeksiyon ng Philippine Coast Guard (PCG) ang may 28 barko na sangkot sa dredging activities sa Zambales.

Napag-alaman na nasa 17 barko na ang naii-inspeksiyon ng PCG na naka-hold ngayon sa PCG at sangkot diumano sa dredging activity mula Marso 19 hanggang Marso 21,2024.

Sinabi ni PCG Spokesperson CG Rear Admiral Armando Balilo, tatlo sa mga nasabing barko ay pawang dayuhan na mula sa China, Sierra Leone at Panama habang 25 pa ang bareboat charters na nakarehistro sa Pilipinas.

Dagdag pa ni Balilo, ang 17 detained vessels ay pawang bareboat charters na rehistrado sa Pilipinas.

Nagbigay naman ng direktiba si PCG Commandant, CG Admiral Ronnie Gil L Gavan, para sa pagsasagawa ng Coast Guard personnel ng marine environmental protection (MEP) inspection at vessel safety enforcement inspection (VSEI) sa mga nasabing barko.

May nakita na umano ang PCG na 344 deficiencies para sa adjudication ng Coast Guard Station (CGS) Manila at nakakuha rin ang mga PCG personnel ng kopya ng inisyung Special Permits (SP) at Bareboat Charter (BBC) ng Maritime Industry Authority (MARINA).

Ang mga ito ay ikinumpara sa listahan ng mga natukoy na dredgers at suction cutters sa Zambales.

Napag-alaman na noong Marso 19 ay ininspeksiyon ny Port State Control (PSC) Division Subic ang tatlong foreign vessels na sangkot sa dredging activities kabilang ang Cutter Suction Dredger (China) na may anim na deficiencies; Anchor Boat (Sierra Leone) na may pitong deficiencies; at Tugboat (Panama) na may 12 deficiencies.

Nito namang Marso 20, 2024, ininspeksiyon ng mga Coast Guard personnel ang isang Suction Cutter, isang Tugboat at isang Anchor Boat at natukoy rin ang ilang deficiencies.

Naglabas rin ang PCG ng Enforcement Inspection Apprehension Report (EIAR) para sa adjudication ng CGS Zambales.

Samantala, nasa 13 dredgers sa area of responsibility (AOR) ng CGS Manila, ang nakitaan rin ng ilang deficiencies at naisyuhan na ng EIARs para sa adjudication habang siyam ang idinetine.

May walo sa 10 inspected vessels ang kinumpiska dahil sa 30 detainable deficiencies at ayon sa PCG, nasa 150 deficiencies ang natukoy at inilista sa na may corresponding EIARs at ia-adjudicate ng CGS Manila.

Tags:

You May Also Like

Most Read