SIMULA sa Abril 13 AY isasailalim sa heightened alert ang Philippine Coast Guard (PCG) kasunod ng pagdagsa ng mga pasaherong magsisiuwian sa kanilang probinsiya para sa Holy Week.
Ang alert status ng PCH ay mula sa Palm Sunday na hudyat ng pagsisimula ng Mahal na Araw hanggang sa Easter Sunday, Abril 20,2025.
Ito ay para matiyak ang seguridad ng mga biyahero sa mga barko at pantalan sa kasagsagan ng Lenten season.
“This influx presents challenges, such as overcrowding, vessel overloading, and heightened risks of maritime-related crimes,” ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan.
Samantala, magpapatupad rin ang PCG ng “Oplan Biyaheng Ayos” sa pakikipagtulungan sa iba pang government security force.














