Latest News

PBMM, DI RIN KUMBINSIDO SA PAGKAMATAY NG MIDDLEMAN; GUNMAN, MAY BAGONG REBELASYON

NANINIWALA ang pamilya ng pinatay na radio broadcaster Percival “Percy Lapid” Mabasa na mas paiigtingin ngayon ng mga awtoridad ang paghalukay sa kaso ng pinaslang na radio broadcaster particular sa pagkilala sa mastermind sa likod ng kaso.

Sa lumabas na ulat inihayag ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na siya man ay hindi kumbinsido na natural death ang sanhi ng pagkamatay ni Jun Villamor ang sinasabing broker sa Lapid slay contract.


Kasunod nito ang pahayag na hindi totoong binabalewala niya o nagsasawalangibo siya sa kaso ng pinatay na media man dahil katunayan ay ilang ulit na nila itong pinag uusapan nina DILG Secretary Benhur Abalos at DOJ Secretary Crispin Boying Remulla.

Alaman naman daw umano ng pulis ang kanilang gagawin kaya hindi na siya naglabas ng direktiba at ipinaubaya na sa kanilang ang pag-iimbestiga.

Kaugnay nito ay inihayag ni Southern Police District (SPD) Director BGen. Kirby John Brion Kraft na may bagong rebelasyon ang sumukong gunman sa Percy Lapid murder case


Sinabi ni Kraft na may iba pang mga pangalan na binanggit si Joel Escorial na may kaugnayan sa pagpatay sa hard hitting commentator.

Masusi namang hinihimay ng binuong Special Task Investigation Group ng SPD ang mga bagong impormasyon mula sa sumukong alleged gunman.


Naniniwala si Kraft na sakaling totoo ang bagong pasabog ni Escorial, ay malaki ang maitutulong nito sa pagtukoy sa mastermind sa krimen.

Kabilang sa hawak ng mga awtoridad ang bank account ng sumukong gunman na si Escorial kung saan nakita sa record kung sino ang nagbayad sa kanya para patayin si Lapid.


Bukod ito sa mga pagsisiwalat ng kapatid na babae ni Escorial na may mga mensaheng ipinadala sa kanya sa pamamagitan ng text messages hinggil sa mga nag utos at nakaka alam sa planong pagpatay kay Lapid.

Nabatid na tiniyak ng DOJ at maging ng bagong pamunuan ng New Bilibid Prison na ligtas at secured na ang mga taong sinasabi ni Escorial.

Una ng hiniling ng Philippine National Police (PNP) na makuha ang cellphone ng kapatid ni Escorial upang masuri.



Nabatid na hawak na ngayon ng NBI ang sinasabing cellular phon ni alyas Marisa na Jun Villamor, na lumapit kay Sen. Raffy Tulfo and Social Welfare Secretary Erwin Tulfo nang mamamatay ang kanyang kapatid.

“We’ll also ask the help of the Tulfo brothers na kung puwede ho’y i-turnover po nila sa amin as part of the evidence po yung cellphone po na pinakita ng kapatid ni Crisanto (Jun Villamor) Palana so that we could conduct yung forensic examination and it would form part of the evidence that would lead po doon sa mastermind ng kaso,” ani PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. sa isang new program.

“Pagdating po ng mga impormasyon naman ay tuloy-tuloy pa rin po, so ibig sabihin po ay nakikita po natin na hindi lamang po ang ating kapulisan ang nagnanais na maresolba po ang pagpatay kay G. Percy Lapid, kung hindi lahat po ng mga nagmamalasakit po sa kanya.”

Nagkukumahog naman ang NBI na makuha rin sana ang cellphone ni Jun Villamor na ginamit nito para maka usap ang kanyang kapatid.

Subalit kinumpirma ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus “Crispin” Remulla na wala sa kustodiya ng mga awtoridad ang cellphone na nasawi na middleman na si Jun Villamor.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Officer-in-Charge (OIC) Gregorio Pio Catapang Jr., na pinapuntahan na niya ang lugar kung saan namatay si Villamor, pero wala na yung telepono nito.

Dagdag pa ni Catapang, pipilitin niya mahanap at baka may nakadampot sa cellphone ni Villamor sa loob ng Bilibid.

Matatandaang, sinabi ni Jun Villamor sa kaniyang kapatid kung sino ang kumontak sa kaniya para patayin ang beteranong radio broadcaster na si Percy Lapid.

Si Villamor ay isa sa mga middleman na sinasabing naging tulay ng self confessed gunman na si Joel Escorial.

“Ang mahalaga ho sa sister nung Villamor, lahat ng naituro dun ay custody na po. We’ve secured all those possible persons,” ani Remulla

Sinasabing anim na ang nasa protective custody ng mga awtoridad kabilang ang kapatid ni Jun Villamor, ang pinsan nilang si Jose Villamor , ang alleged second middleman na si Christopher Bacoto na ansa Bureau of Jail Management and Penology.

At tatlo pang hindi pa kinikilala.

Sa hiwalay na panayam ng media kay Bureau of Corrections (BuCor) officer-in-charge Director General Gregorio Catapang, Jr. may tatlong tao silang pinangangalagaan sa loob ng NBP. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

You May Also Like