Latest News

PBBM, WALANG NAKIKITANG ISYU SA PELIKULANG ‘BARBIE’

Ni MARK ALFONSO

WALANG nakikitang isyu si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., makaraang payagan nang ipalabas sa mga sinehan sa Pilipinas ang pelikulang “Barbie”.


“Maganda raw eh, sabi nila,” tugon ni Marcos sa isang panayam matapos ang inagurasyon ng Samar Pacific Coastal Road Project at pangunahan ang pamamahagi ng iba’t ibang tulong ng pamahalaan sa Northern Samar.

“Siyempre, ‘yung sinasabi nila ‘yung kasama doon sa ‘yung boundary line na ginawa. Ang sagot ko doon, what do you expect? It’s a work of fiction,” sabi pa ng Pangulo.

Una nang lumabas ang ilang batikos sa diumano’y paglalarawan ng isang mapa na nagpapakita ng umano’y pag-aangkin ng teritoryo ng China sa South China Sea sa isang eksena tungkol sa “nine-dash line”.


Inaprubahan din ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pelikula ng Warner Bros na “Barbie,” sa bansa.


Tags: Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

You May Also Like