Pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang pangwakas na aktibidad ng Masskara Festival ngayon Linggo (Oktubre 23,2022) sa Bacolod City.
Si Marcos ay sasamahan ni First Lady Liza Araneta-Marcos at Vice President Sara Duterte, Office of the Press Secretary officer in charge, Undersecretary Cheloy Garafil sa nabanggit na okasyon.
Ang partisipasyon ni Marcos ay bahagi ng kanyang commitment na i-promote ang lokal na turismo at.mataas ang mas maraming economic activities sa banta ng COVID 19 pandemic.
“The President’s attendance at the world-renowned festivity is a testament to his commitment to promoting local tourism in a bid to revive the country’s tourism industry amid the challenges brought about by the Covid-19 pandemic,” ayon kay Garafil.
“Marcos is optimistic that through the efforts and initiatives of the Department of Tourism, the Philippines will be able to restore its tourism figures to pre-pandemic levels, creating more job opportunities and bringing economic progress.”
Ang Masskara ay muling ibabalik .sa ika- 43 taon selebrasyon na may temang “Balik Yuhum” na nangangahulugan na “muling ngumiti”.
Nalaman na ang MassKara Festival ay nagsimula noong 1980 matapos ang serye ng krisis sa asukal dahil sa over supply sa international market na nagresulta sa pagbagsak ng presyo sa mundo.
Ang ngiti sa makulay na maskara na simbolo ng festival ay nagpapakita ng pagkakaisa nh mga mamamayan sa kabila ng.mga hamon at problema. (Jaymel Manuel)