PBBM sa publiko: ‘wag maging kampante sa COVID-19

Muling nagpaalala si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa publiko na huwag maging kampante laban sa COVID-19 at patuloy na sumunod sa health at safety protocols.

“Ako naman ay hindi magsasawang magpapaala. ‘Wag tayong mag relax sa pagsunod sa mga protocol natin sa classroom man yan, sa pag commute, sa pagpunta sa school, sa canteen habang kumakain, at kahit saan pa na may ibang tao,” ayon kayMarcos Jr. sa kanyang lingguhang vlog.

Binigyan rin ng babala ni Marcos ang publiko na huwag maging pabaya dahil patuloy pa rin ang gobyerno sa paglaban sa COVID19.


Hanggang nitong Setyembre 3,ang Department of Health (DOH) ay nakapagtala ng kabuuang 3,889,160 infections sa bansa kung saan 23,571 ang aktibong kaso at nasa 61,962 ang kabuuang bilang ng nasawi dahil sa COVID19 nang magsimula ang pandemya noong 2020. (Jantzen Tan)


Tags: Jr., Pangulong Ferdinand Marcos

You May Also Like

Most Read