PBBM, NAGKWENTO TUNGKOL SA MEDAL OF VALOR AWARD NG BAGONG AFP CHIEF OF STAFF

OPISYAL na iniluklok kahapon ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. si Southern Luzon Command chief LtGen. Bartolome VO Bacarro bilang ika-58th Armed Forces of the Philippine chief of staff sa ginanap na change of command ceremony sa Camp General Emilio Aguinaldo sa Quezon City.

Pinangunahan ni PBBM ang ginanap na Change of Command Ceremony o ang pagpapalit sa liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP).


Sa ginanap na turnover ceremony ay ikinuwento ni Pangulong Marcos kung paano naging isang medal of valor awardee ang hinirang niyang bagong AFP chief na kanyang pinagkatiwalaan na tutupad sa kanyang mithiin para sa isang payapa at maunlad na bayan.

Naniniwala si PBBM na hindi magiging madali at magiging masalimuot ang pagtupad niya sa kanyang layunin para sa bayan subalit sa pagkakaroon ng isang buong military organization sa pamumuno ni Bacarro ay makakamit nang sama sama.

Mauupong ika-58 AFP chief ang Medal of Valor Awardee na si Lt. Gen. Bartolome Bacarro at kauna-unahang pinuno ng AFP na magsisilbi sa hukbo na may three-year fixed term sa bisa ng RA 11709.


Pinalitan ni LtGen. Bacarro si General Andres Centino, Jr. na kaklase niya sa Philippine Military Academy (PMA) “Maringal” Class of 1988.

Pinasalamatan ni Bacarro si Pangulong Marcos sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya para pamunuan ang Hukbong Sandatahan at ang mga taong sumuporta sa kanya para makamit ang pinakamataas na tungkulin .


“Sir, I will not take this responsibility lightly,” ani Bacarro kay Pangulong Marcos, kasabay ng pangakong hindi niya ito bibiguin sa tiwalang inatang sa kanya.

Pipilitin ng heneral na panatilihin at pataasin pa ang trust and confidence rating ng AFP na nasa 65 percent.


Si Bacarro ay 55-taong gulang at magreretiro sana sa September 18 subalit mae-extend ito ng hanggang 2025 sa serbisyo dahil sa fixed term para sa AFP chief. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Jr., Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos

You May Also Like