PBBM, nagdeklara ng walang pasok sa trabaho, klase sa Luzon sa Lunes

Ni Mark Alfonso

APRUBADO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang suspensyon ng klase at trabaho sa Metro Manila upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa epekto ng bagyong ‘Egay’ at maibsan ang epekto ng nakatakdang 72 oras na transport strike kasabay ng ikalawang State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo sa Hulyo 24, 2023.


Ginawa ng Palasyo ang anunsyo matapos na lagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang Memorandum Circular No. 25 noong Hulyo 21 at inilabas kahapon.

“In view of the forecasted inclement weather brought about by Typhoon ‘Egay’ and the scheduled 72-hour transport strike in Metro Manila, work in government offices and classes in public schools at all levels in the National Capital Region are hereby suspended on 24 July 2023,” nakasaad sa memorandum circular.

Gayunpaman, nilinaw ni Bersamin na ang mga ahensya ng gobyerno na na naghahatid ng mga pangunahin at serbisyong pangkalusugan, kahandaan/tugon sa mga sakuna at kalamidad, at/o ang pagganap ng iba pang mahahalagang serbisyo ay dapat magpatuloy sa kanilang operasyon at magbigay ng mga kinakailangang serbisyo.


Ayon pa sa Executive Secretary, nasa pagpapasya ng kani-kanilang mga head ang pagsususpinde ng trabaho para sa mga pribadong kumpanya at klase sa mga pribadong paaralan.


Tags: Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

You May Also Like

Latest News