Latest News

PBBM, NAG-UTOS NA I-MOBILIZE LAHAT NG AVAILABLE NA GAMIT

By: Victor Baldemor Ruiz

“As soon as makapasok kami, we will be doing that. And we are now beginning to marshal our assets, like for example, rubber boats. Hanggang Mindanao kukunin na muna namin at dadalhin namin dito sa area ng pangangailangan.”

Ito ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., matapos niyang malaman ang lawak ng pinsala at mga pangangailangang tulong sa mga lugar na nasalanta ng tropical storm ‘Kristine,’ kasunod ng ginanap na briefing kahapon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council headquarters sa Camp Aguinaldo.

Tiniyak ni President Marcos sa publiko na mabilis na kumikilos ngayon ang pamahalaan para sagipin ang mga mamamayang naapektuhan ng malawakang pagbaha lalo na sa Bicol Region.


May mga ulat na maraming lugar sa Bicol areas ang lubog na ngayon sa tubig- baha gaya sa PNR Railway station sa Naga City na umabot na umano sa lagpas tao ang tubig-baha.

Napag-alaman na maging si dating Vice President Leni Robredo, na naka-base sa Naga City, ay nanawagan ng agarang tulong para sa karagdagang rubber boats at mga rescue trucks, dahil karamihan ng mga tao sa mga lugar sa Camarines Sur at kalapit na lalawigan ay nasa mga bubong na umano ng kanilang mga bahay.


Pinangangambahang magtatagal pa ang nararanasang matinding pag- ulan na dala ng tropical storm Kristine sa maraming lugar at maaaring makasagabal sa paghahatid ng tulong at pagsisikap na maisalba ang mga na- trap na mga residente.

Posible umanong manalasa nang husto ang bagyo sa Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay at Sorsogon.


Napag-alamang inatasan din ni Pangulong Marcos ang Armed Forces of the Philippines na gamitin ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites na nasa ilang lugar sa Pilipinas para sa humanitarian assistance and Disaster response.

Ayon kay AFP chief Romeo Brawner, Jr., “the armed forces have already coordinated with US counterparts who said they are ready to help.”

Sa nasabing pulong ng NDRRMC, inihayag din ni Defense Secretary Gibo Teodoro na na nakipag-ugnayan na rin ang pamahalaan sa mga kalapit-bansa sa Southeast Asia gaya ng Singapore “to marshal their capabilities for airlift and other manpower assistance that they can pitch in.”

We are reaching out to Brunei, Indonesia and Malaysia as the closest neighbors, in addition to partner nations,” sabi pa niTeodoro.

Ayon kay Brawner, nakipag-ugnayan na rin siya sa kanilang US Counterpart at handa umano tumulong at magpadala ng kanilang mga aircraft ang Amerika, gamit ang mga EDCA sites.

Inatasan naman ni Defense Secretary Gilberto Teodoro ang Armed Forces of the Philippines na pakilusin ang kanilang mga tauhan para sa agarang rescue and relief operations partikular ang Philippine Air Force, Philippine Army at Philippine Navy.

Nasa Pilipinas ngayon si Lieutenant General Joshua M. Rudd, Deputy Commander of the United States Indo-Pacific Command, kung saan nakipagkita ito kay Vice Chief of Staff of the AFP (VCSAFP) Lieutenant General Arthur Cordura at kanilang natalakay ang pagpapatuloy ng joint initiatives, kabilang ang humanitarian assistance and disaster response (HADR) operations, capacity-building programs and cooperative security measures aimed at addressing regional security challenges.

Una rito, inihayag ni Brawner na pinakilos na nila ang halos lahat ng asset at resources ng Hukbong Sandatahan para sa mabilisang humanitarian assistance and disaster response (HADR) operations sa lahat ng apektadong lugar.

“Our units, in coordination with local government units and the National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), are working proactively to conduct rescue operations, particularly in regions experiencing severe flooding. With joint efforts from the Philippine Army, Philippine Navy, Philippine Air Force and our Unified Commands and alongside our international partners, we are demonstrating the strength of our collective capabilities in safeguarding the lives of our citizens,” ani Brawner.

Nakahanda nang umalalay ang Humanitarian Relief and Disaster Response Team ng Philippine Army sa mga lugar na apektado ng bagyong ‘Kristine’.

Sa Luzon area, kinabibilangan ito ng 5th Infantry Division ng Phil Army na may area of operation sa Northern Luzon, 7th Infantry Division na may sakop sa Southern at Central Luzon at 9th Infantry Division na may sakop sa Bicol Region.

Sa Visayas, tumutulong na rin ang mga sundalo ng 8th Infantry Division sa mga apektadong residente.

Maliban sa mga sundalo, naka-standby na rin ang mga kagamitan ng mga sundalo na tulad ng mga rubber boats, 6×6 trucks, at iba pang mga land assets.

Sa panig ng Philippine Navy, activated na rin ang mga local units nito para umalalay sa mga rescue at response effort. Sa northeastern seaboard ng Luzon kung saan inaasahang dadaan at tatama ang bagyo, activated na ang Naval Task Force 14 (NTF14).

Ang naturang task force ay binubuo ng mga personnel na may kaalaman sa rescue, search at retrieval operations, kasama ang sapat at akmang mga kagamitan.

Samantala, sumasabak na rin ang lahat ng available asset at aircraft ng Philippine Air Force na maaaring magamit sa rescue at relief operation lalo na sa mga malalayong lugar na hindi kaagad mararating.

“The AFP is fully prepared and operationally ready to respond to the needs of our citizens during this challenging time,” sabi pa ni Brawner.

 

Tags: Jr., Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos

You May Also Like

Most Read