Latest News

PBBM, nag-birthday blowout sa mga kaalyado sa Malakanyang

Nag-blowout ng pananghalian si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Malakanyang, kasama ang mga kaalyado sa pagdiriwang nito ng kanyang ika-65th kaarawan.

Pinangunahan ni Vice President Sara Duterte ang mga kaalyado sa pulitika na dumalo at nakita rin sa post sa Facebook si Social Welfare Secretary Erwin Tulfo na kumakanta pa ng birthday song para kay Marcos


Nakita rin ang pag-palakpak ni Marcos nang hipan ang kanyang birthday candle.

Kabilang sa mga dumalo sa luncheon si dating Pangulo at Rep. Gloria Macapagal Arroyo, House Speaker Martin Romualdez, Senator JV Ejercito, Interior Secretary Benhur Abalos at Mayor Chavit Singson.

Bago ang pananghalian ay pinangunahan ni Marcos ang nationwide simultaneous tree planting activity sa Old San Mateo Sanitary Landfill sa. Rizal.


Nilagdaan rin nito ang isang executive order na nag-aatas ng moratorium sa land amortization at interest payments sa isang seremonya sa Malacañang.

Bukod pa dito ang isinagawa niyang gift-giving sa White Cross Orphanage sa San Juan City. (Jantzen Tan)


 


Tags: Jr., Pangulong Ferdinand Marcos

You May Also Like

Most Read