PBBM INAUGURATION PROTESTER HUWAG LALABAS NG FREEDOM PARK

Corresponding police action agad na itutugon sa mga Marcos inauguration protester na lalabas ng freedom park.

Binalaan kahapon ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na huwag na huwag lalabas sa mga itinalagang freedom park ang mga nagbabalak na magsagawa ng kanilang kilos protesta ngayon araw nang panunumpa ni Pangulong Ferdinand Bongbong Romualdez Marcos Jr.,


“corresponding police response” await protesters during the inauguration of President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. if they conduct their activities outside freedom parks, ani M/Gen. Valeriano de Leon, PNP’s director for operations,

Ayon kay De Leon, maari lamang namalagi ang mga raliyista sa loob ng apat na itinalagang freedom parks sa loob ng lungsod ng Maynila, ang Liwasang Bonifacio, Plaza Miranda, Plaza Moriones, a Plaza Dilao.

“Yung 4 na lugar na ‘yan ay pwede silang magsagawa ng rally nila diyan at kahit anong gawin nila. But the moment they will step out of the area ay corresponding police response ang ating itutugon para dito,” babala ni De Leon sa mga raliyista.


“Alam naman natin na the world will be watching us. And we would like to showcase how orderly and how disciplined Filipinos are dito sa ating bansa,” dagdag pa ng heneral.

Ayon kay outgoing Manila Mayor Isko Moreno wala pa siyang inisyuhan na rally permit . Kinumpirma ito ng PNP na hindi nag isyu ng rally permit ang local government ng Maynila sa alin man grupo na nagbabalak na maglunsad ng kilos protesta sa paikot ng National Museum, kung saan gaganapin ang formal oath-taking ni PBBM.


“Yung mga lugar na yan (freedom parks) ay pwede silang maghayag ng issues and concerns. But the moment they step out of the area as a group, they will be prevented,” ani De Leon.

Naka alerto naman ang kapulisan maging ang augmentation force ng Armed Forces of the Philippine sa mga posibleng magsasagawa ng lightning rally o pananabotahe sa araw ng panunumpa.


“Hindi natin hahayaan na magsagawa ng magulo o not peaceful assembly sa labas ng freedom park,”

Samantala inaantabayan pa ang go signal kung magsasagawa ng signal jamming sa area paikot ng venue . Nabatid na ang pag jajam ng signal ay isa sa mga kinokonsidera lalo pa’t isang makasaysayang okasyon ang mangyayari ngayon.

Kahapon ay pinag aaralan pa ng pambansang pulisya kung may pangangailangan pang i-jam o tanggalin ang cellphone signal sa bisinidad ng National Museum ngayon Huwebes hanggang sa matapos ang inagurasyon. (VICTOR BALDEMOR)



Tags: Philippine National Police (PNP)

You May Also Like