PBBM, FULL SUPPORT SA BOC; PINURI SA KANILANG ACCOMPLISHMENTS

Nagpahayag ng kanyang full support si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Bureau of Customs (BOC) kasabay ng pagpuri nito sa mga opisyal at kawani ng Aduana kaugnay sa kanilang magagandang accomplishment.

Inihatid ni Finance Secretary Benjamin Diokno ang mensahe ni Pangulo Marcos kay BOC Commissioner Yogi Filemon Ruiz sa kanilang 121st Founding Anniversary Celebration.

Ayon sa Pangulong Marcos, BOC’s more than P862 billion revenue collection, 34 percent higher than the P643 billion it collected in 2021, was “commendable.”


“In fact, I note that all your collection districts have surpassed their individual revenue targets in 2022, which enabled the Bureau to exceed your annual target for the year,” ayon pa sa mensahe ng pangulo na inihatid ni Sec Diokno.

Nabatid na nitong nakalipas na taon ng 2022 ay nalagpasan ng Aduana ng 34 percent o katumbas ng ?219 billion ang kanilang 2021 revenue collection na ikinatuwa rin ng Department of Finance .


Sinasabing naitala ng BOC nitong nagdaang taon ang pinakamataas na revenue collection sa kasaysayan, na nagbigay daan din sa mga local governments na makalikha ng mas maraming employment opportunities, makagawa ng mas maraming imprastraktura at suportang pangkagalingan ng kanilang mamamayan.

Bukod sa magandang revenue collection performance, ay pinuna rin ni Pangulong Marcos ang pinalakas na border protection na ipinatutupad ng BOC na nakatulong din para masawata ang talamak na smuggling operations sa bansa.


“In 2022, the Bureau of Customs’ Anti-Smuggling Campaign has recorded 729 apprehensions with a total estimated value of more than 24 billion pesos, which I hope you will further sustain and toughen in the years ahead,” tagubilin ng Pangulo kay Comm. Ruiz.

“I am thus very pleased as we recognize these and all the other achievements of the Bureau of Customs,” dagdag pa ng Pangulo.

Alinsunod sa socioeconomic agenda ng Pangulo, patuloy na pinapabilis ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz ang digitalization program ng BOC para makapagbigay ng malinaw at mahusay na serbisyo habang pinipigilan ang katiwalian at pagtaas ng legal revenue collection.

Nagpatupad din si Ruiz ng mga reporma upang mapanatili ang positibong pagganap ng Kawanihan, na ipinakita sa pamamagitan ng paglampas sa target ng koleksyon para sa Enero 2023, at upang mapahusay ang mga proseso ng pagpapatakbo nito. Aniya, ang pagtatrabaho sa BOC ay isang marangal na misyon.

“Rest assured that this administration will give you its unreserved support for the realization of your vision to achieve a modernized and credible Customs administration through enhanced trade facilitation, strengthened border controls, and improved collection of lawful revenues,” pahayag ng Pangulong Marcos. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags: Finance Secretary Benjamin Diokno

You May Also Like

Most Read