Latest News

PBBM, dapat makipag-ugnayan sa CHR sa war on drugs ni PRRD

Sinang-ayunan ni Solicitor General Menardo Guevarra ang ideya na masusing makipag- ugnayan sa Commission on Human Rights (CHR) para malaman ang mga nangyaring pagpatay sa drug war ni dating Pangulo Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Guevarra na ang CHR ang ahensiya na pinupuntahan ng pamilya ng mga biktima na nasawi sa anti-illegal drug campaign ng dating administrasyon.

” I precisely sought better cooperation with them because people go to them. People trust the CHR.,”ayon kay Guevarra.


Kaugnay nito, nalaman na isunumite na ng gobyerno ng International Criminal Court (ICC) pre-trial chamber na humihiling na ibasura, ang kahilingan ng court prosecutor para sa muling pagbubukas ng imbestigasyon sa drug war ng nakalipas na administrasyon.

Iginiit ni Guevarra na ang anti-drug campaign ay hindi maikukunsidera na “crimes against humanity,” at isa umanong lehitimong operasyon ng awtoridad ang kampanya sa iligal na droga.


Una nang inaalam ng gobyerno ang 302 drug war killings sa 6,000 naiulat na nasawi sa police operations.

Itinataya naman ng ICC prosecutor na tinatayang may 12,000 hanggang 30,000 civilians ang nasawi sa drug war sa pagitan ng 2016 hanggang 2019 kung saan si Guevarra ang Justice Secretary. (Arsenio Tan)


 

Tags: Solicitor General Menardo Guevarra

You May Also Like

Most Read