SASAKSIHAN at magsisilbing guest of honor si newly-installed Philippine 17th President Ferdinand Bongbong Romualdez Marcos Jr., sa gaganaping pagdiriwang ng 75th anniversary ng Philippine Air Force sa Haribon Hangar, Clark Air Base sa Mabalacat City sa Pampanga.
Ayon kay Air Force spokesman Col. Maynard Mariano, inihayag nitong nagkumpirma na si President Marcos Jr., na dadalo physically sa magaganap na pagdiriwang.
Sinasabing ito ang unang military affair na pupuntahan ni PBB,.
“trabaho lang yung ginagawa namin, maitawid lang po namin yung anniversary, and grateful din naman po kami na paunlakan po kami ni presidente for his first engagement with the armed forces at nauna yung air force for the 75th founding anniversary po namin, ani Col Mariano.
“Sir the highlight of the anniversary would be, yun, yung attendance nya po, ng ating ceremony,” pahayag pa ni Col Mariano.
Ipinakita kahapon ng mga lumilipad na Philippine Air Force assets ang national colors sa inauguration ng 17th president of the Republic of the Philippines, Ferdinand Marcos Jr.
Tampok sa gagawing pagdiriwang ngayon sa Clark Air Base ang high speed openers ng PAF FA 50 fighter jets , flyby ng ibat ibang PAF aircrafts at awarding ceremony para sa mga piling kawani ng hukbong panghimpapawid. (VICTOR BALDEMOR)