Latest News

PBBM AT AFP PINANGUNAHAN ANG NATIONAL HEROES DAY

By: Victor Baldemor Ruiz

PINANGUNAHAN kahapon ni Armed Forces of the Philippine Commander in Chief President Ferdinand Bongbong Marcos Jr., at AFP chief of Staff General Romeo Brawner ang paggunita ng Samabayanang Filipino ng Araw ng mga Bayani.

Ginanap ang commemoration ng National Heroes Day today, sa Libingan ng mga Bayani sa Fort Bonifacio, Taguig City kung saan nagsilbing Guest of Honor at Speaker sa pagdiriwang si pangulong Bongbong Marcos .

Binigyang pugay ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa pamumuno ni Lt. General Brawner at ng kasundaluhan ang lahat ng mga bayaning Pilipino na walang takot sumuong sa panganib , nag alay ng buhay para sa bayan, hustisya at kalayaan .


Tampok sa pagdiriwang ng National Heroes Day na may temang: “Karangalan. Katungkulan. Kabayanihan” ang ginanap na wreath-laying ceremony.

Mismong si Pangulong Marcos at General Brawner ang nanguna, sa pag aalay ng bulaklak sa Tomb of the Unknown Soldier sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City bilang pagbibigay pugay sa mga Pilipinong inilaan ang kanilang buhay sa paglilingkod sa bayan.


“Led by the AFP Chief of Staff General Romeo S Brawner Jr PA, our soldiers came together to pay tribute to our noble heroes whose steadfast dedication and selfless sacrifice have left an enduring imprint on the history of the country,” ani Col Rookie Ileto, AFP Public Information Office chief.

“Heroes’ Legacy” ganito naman ang tema ng pagpupgay ng Philippine Army sa pangunguna ng Western Mindanao Command, kasama ang mga tauhan ng 6th Infantry (Kampilan) Division at Joint Task Force Central.


Nanguna dito si Major General Alex S. Rillera, pinuno ng 6ID at JTF Central. “Today, as we remember the struggles and sacrifices of our heroes, let us not forget the challenges that lie before us. We are faced with the task of preserving the freedom that our ancestors fought so hard to secure,” ani Gen Rillera

Binanggit din ni Maj. Gen. Rillera na ang araw na ito ay kasabay ng pagsisimula ng panahon ng halalan. Dahil dito, binigyang-diin niya na pinaiigting ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at iba pang security forces ang kanilang security measures para matiyak ang ligtas na kapaligiran.

Ito ay lubhang mahalaga dahil minarkahan din nito ang unang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.

Tags: Armed Forces of the Philippine Commander in Chief President Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

You May Also Like

Most Read