Sina Mayor Honey Lacuna, MDSW chief Re Fugoso at chief of staff Joshue Santiago sa isang payout venue. (JERRY S. TAN)

Payout ng PWDs, MWDs at solo parents, hanggang katapusan ng Disyembre-Mayor Honey

By: Jerry S. Tan

INIHAYAG ni Manila Mayor Honey Lacuna na ang ‘payout’ ng allowances ng pamahalaang-lungsod para sa persons with disability (PWDs), minors with disability (MWDs) at solo parents na sinimulan noong Disyembre 6, ay magpapatuloy hanggang sa Disyembre 26 at matapos niyan ay sa City Hall na ang kuhaan ng allowance.

Ayon kay Manila Department of Social Welfare (MDSW) chief Re Fugoso, ang sinumang may katanungan hinggil dito ay maaaring magtungo sa kanilang barangay o di kaya ay bumisita sa social media sites ng MDSW o ng Manila Public Information Office (PIO).

Dito umano nila maaaring malaman at makita ang schedule ng payout para sa bawat barangay at distrito, para na rin sa maayos na gabay ng mga claimant.


Ang mga naturang allowance ay maaaring makuha sa mga itinakdang lugar sa barangay at distrito.

Sakali naman umanong hindi makapunta sa mga barangay sa mga naturang petsa, maaari pa ring makubra ng mga benepisyaryo ang kanilang allowance sa Manila City Hall mula sa Disyembre 26 hanggang sa katapusan ng taon.

Upang makubra naman ang kanilang P3,000 allowance para sa anim na buwan, kinakailangan lamang ng mga claimants na magdala ng orihinal at photocopy ng PWD o solo parent IDs at barangay certificates.

Nabatid na mayroong 16,374 solo parents, 5618 MWDs at 31,343 PWDs sa Maynila.


Sa ilalim ng Ordinance 8991, lahat sila ay entitled sa P500 monthly monetary allowance mula sa lokal na pamahalaan ng Maynila.

Tags: Mayor Honey Lacuna, MDSW chief Re Fugoso

You May Also Like

Most Read